DSpace Repository

Anak ni ina, anak ng masa: mga kuwentong buhay at pakikibaka ng mga anak ng aktibista

Show simple item record

dc.contributor.author Fabella, Ma. Carla Noelle V.
dc.date.accessioned 2021-09-15T02:42:49Z
dc.date.available 2021-09-15T02:42:49Z
dc.date.issued 2017-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1083
dc.description.abstract Ang pagiging isang aktibista ay hindi tipikal na okupasyon, karera, o hanapbuhay. Ito ay isang paraan ng pamumuhay na nangangailangan ng masidhing paninindigan sa paglilingkod sa sambayanan. Bilang isang aktibista, malaking oras at panahon ang kailangang ialay para sa katuparan ng mga adhikain ng kilusan. Sa kanilang layuning magmulat, mag-organisa, at mag-mobilisa, ibayong pagsasakripisyo ang kinakailangan. Sa pagsabak sa pakikibaka ng isang aktibista, iba't ibang implikasyon ang hatid nito sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga anak. Dahil ang nais ng mga aktibista ay tunay na panlipunang pagbabago, iba ang kanyang paraan ng paghuhubog sa kanyang mga anak. Dahil dito, isang pang-araw-araw na tunggalian para sa isang anak ang paggalaw sa loob ng mga institusyon ng lipunan — ang pamilya, paaralan, organisasyon, simbahan, at mass media. Sa kabila ng mga masalimuot na karanasang hatid ng pakikibaka laban sa umiiral na sistema, isang kalamangan kung maituturing ang maging isang anak ng aktibista. Bukod sa pagkakaroon ng tibay, lakas ng loob, at paninindigan, natututunan at naisasabuhay ng mga anak ang diwa ng pagsasakripisyo, simpleng pamumuhay at, higit sa lahat, ang tunay pagmamahal at paglilingkod sa bayan. Dahil ang mga anak ang pangunahing tagapag-mana ng mga naiwan at nasimulan ng kanyang mga aktibistang magulang, sila ang susunod na magiging tagapagtaguyod ng panlipunang pagbabago. Ang mga anak ng aktibista ang salinlahi ng kilusan; sila ang kinabukasan. Sila ay hindi lamang mga anak ng kanilang mga ina, bagkus, sila ay mga anak ng masa. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Children of activists en_US
dc.subject Activists' family en_US
dc.title Anak ni ina, anak ng masa: mga kuwentong buhay at pakikibaka ng mga anak ng aktibista en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account