DSpace Repository

Asunción, Resurrección, Adoración, Lamentación: ang tradisyon ng pabasa sa Pasay

Show simple item record

dc.contributor.author Galleon, Christelle Faith Santos
dc.date.accessioned 2021-09-17T01:26:02Z
dc.date.available 2021-09-17T01:26:02Z
dc.date.issued 2018-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1137
dc.description.abstract Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa tradisyon ng Pabasa sa lungsod ng Pasay alinsunod sa apat na pamilyang nagsasagawa nito. Gaya ng naitala sa pag-aaral ng mananaliksik, tinatawag na Pabasa ang panrelihiyong panitikang Pasyon dahil sa paawit na paraan ng pagbabasa nito. Ang tradisyon ng pagbabasa ng Pasyon ay nagaganap tuwing Kuwaresma upang mapagnilay-nilayan ang buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Layunin ng pag-aaral na ito na makilala ang mga pamilya sa lungsod ng Pasay na nagsasagawa ng ritwal ng Pabasa, alamin ang tradisyon ng Pabasa sa lugar na ito, at kung papaano ito nananatiling buhay sa kamalayan ng mga nakatira sa lungsod. Nilimita ng mananaliksik ang mga kaso sa pamamagitan ng pagpili sa Pamilya Llamas bilang pangunahing tagapag-bigay impormasyon sa pag-aaral na ito. Bahagi ng kanilang tradisyon ang pagbabasa sa iba’t iba pang mga kabahayan bukod pa sa kanilang sariling Pabasa upang maibahagi ang kanilang lamentasyon. Kabilang sa mga kabahayan na ito ang tatlo pang grupo na nagmula rin sa Pasay. Pinagtuunan ng mananaliksik ang mga naratibo ng apat na pamilyang aktibong isinasagawa ang Pabasa sa lungsod ng Pasay upang masuri ang tradisyon ng Pabasa na nakapaloob sa lungsod. Binigyang pansin din ng mananaliksik ang iba’t ibang aspeto na maaaring makaapekto sa Pabasa tulad ng tao, lugar, espasyo, at metodo ng pagsasagawa ng ritwal ng Pabasa. Sa pagsasaliksik ay nakita na maaaring ang patuloy na pagsasagawa ng pabasa ay nag-uugat sa kamalayan ng mga Pilipino at katutubong kaisipan. Kabilang dito ang mga konsepto ng loob, tagapagdaloy, kapwa, kalikasan, Diyos, at alay. Sa huli, nahinuha na ang tradisyon ng Pabasa sa Pasay ay isang pakikiisa sa Diyos, sa kalikasan, at sa kapwa sa pamamagitan ng isang kwentong paawit. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Pasyon tradition en_US
dc.subject Religious Pabasa en_US
dc.subject Philippine culture en_US
dc.title Asunción, Resurrección, Adoración, Lamentación: ang tradisyon ng pabasa sa Pasay en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account