Abstract:
Bunga sa isang salaysay tungkol sa panaginip na nakalap mula sa
pakikipanayam sa mga Ayta patungkol sa kanilang pananaw tungkol sa
pagmamay-ari ng lupa, nabuo ang isang pagsasaliksik na naglalayong mapalalim
pa ang nalalaman patungkol sa mga pananaw at paniniwala ng mga Ayta ukol sa
panaginip. Layunin ng pananaliksik na ipakita ang mga paniniwala ng mga Ayta
sa panginip at kung paano ito nakaapekto sa lipunang Ayta. Gamit ang lapit ng
etnograpiya at penomenolohiya at ang mga pamamaraan ng ginabayang talakayan
(focus group discussion) at pakikipanayam (interview), nakapanayam ang labingdalawang
Ayta na may edad mula 14 hanggang 60 na napili sa pamamagitan ng
snowball sampling upang malaman ang kanilang mga pananaw at paniniwala
tungkol sa panaginip, na siya namang inayos sa pamamagitan ng pagsusuri ng
mga tema (thematic analysis) at pagsusuri ng nilalaman (content analysis).
Lumabas sa pakikipanayam ang tatlong lugar kung saan lumilitaw ang mga
paniniwala ng Ayta sa panaginip – ang Kahulugan, Kahalagahan, at Kagawian. Sa
Kahulugan lumabas ang mga konsepto ng Ayta sa panaginip kagaya ng taynəp o
konsepto ng Ayta sa panaginip, ang nakəm o ang kaisipan ng tao na siyang
dahilan ng pananginip, at ang alumati o ang masasamang panaginip ng mga Ayta.
Sa Kahalagahan naman matatagpuan ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang
mga panaginip para sa mga Ayta sa kontekso ng kalusugan, pamilya, at
hinaharap. Huli sa lahat ang Kagawian, kung saan tatalakayin ang mga kagawian
ng mga Ayta patungkol sa panaginip kagaya ng pag-aanito, patayan, at ang
pagbabahagi ng mga panaginip.