dc.description.abstract |
Ang batayang- aklat ay isa sa pinakamahalagang bagay upang magkaroon ng de-kalidad
na edukasyon sa ating bansa, kung kaya’t sa pagdating ng panahon, ang pamahalaan ay gumamit ng iba’t ibang proseso sa prokyurment ng mga ito. Ang isa sa mga prosesong ito ay ang International Competitive Bidding na ayon sa prosesong sinasang- ayunan ng World Bank.
Ang pananaliksik na ito ay may pangkalahatang layuning suriin ang epekto ng mga
batayang- aklat na naglalaman ng mga maling impormasyon sa sosyo- ekonomikong kalagayan
ng mga pampublikong guro at ang mga hakbang na kanilang ginagawa upang matugunan ang
mga pangangailangan na bunga ng problemang ito.
Sa pagtitipon ng mga datos, ang may- akda ay gumamit ng iba’t- ibang pamamaraan sa
pananaliksik; ang mga pamamaraang pagmamasid at pagtatanong. Ang palambang (random) na
sampling ay ginamit upang makuha ang lahat ng mga pampublikong guro na kalahok sa
pananaliksik. Lahat ng mga kalahok ay nanggaling sa isang (1) klaster na distrito ng Lungsod ng
Quezon.
Ang mga mahahalagang resulta ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod: may
epekto ang mga batayang- aklat na naglalaman ng mga maling impormasyon sa sosyo-
ekonomikong kalagayan ng mga guro, malaking bahagi ng mga pampublikong guro ay walang
alam sa proseso ng prokyurment na sinusundan ng Kagawaran ng Edukasyon, at higit sa lahat, sa
kabila ng mga problema sa mga maling impormasyon, karamihan ng mga pampublikong guro ay
ginagamit pa rin ang mga batayang- aklat sa kanilang balangkas ng pagtuturo. |
en_US |