Abstract:
Ang pakikibaka ng mga katutubong mamamayan sa ating bansa para sa sariling pagpapasiya o self-determination ay nananatili pa ring nakalutang sa atmospera
ng kasalukuyang sistema at kalagayan ng lipunan. Sa tesis na ito tinatalakay ang
kalagayan ng isang partikular na tribu sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro. Makikita
na isa sa mga dahilan ng patuloy na paghihirap ng mga katutubong mamamayan katulad
ng mga Alangan sa Naujan, ay dahilan na rin sa mga polisiya at programang ipinatutupad
ng pamahalaan, gayundin ang kakulangan ng suporta mula sa kinauukulan. Hang mga
miyembro ng pamayanan ng mga katutubo sa lugar ang nakapanayam at nakapagbigay ng
mahahalagang punto sa pag-aaral na ito gayundin sa pagtalakay ng mga isyu', partikular
ang mga suliraning kinahaharap ng mga ito at ang mga serbisyong natatanggap nila mula sa pamahalaan gayundin sa mga NGOs na tumutulong sa mga ito. Ang labang ito para sa karapatang ipinagkakait sa kanila bilang mga
katutubong mamamayan ay isa sa mga pinakasensitibong isyu sa kasalukuyan. Mayroon
silang pantay na karapatan na katulad ng mga pangkaraniwang mamamayan ng bansa na
nararapat lamang na irespeto ng lahat at bigyang pansin ng pamahalaan.