DSpace Repository

“Epekto ng Malikhaing Industriya ng Kawayan sa Kultura ng mga taga-Maasin, Iloilo at Jaro, Iloilo City”

Show simple item record

dc.contributor.author Leano, Mary Grace D.
dc.date.accessioned 2023-04-24T02:20:25Z
dc.date.available 2023-04-24T02:20:25Z
dc.date.issued 2008-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2091
dc.description.abstract Noon pa man, malaki na ang naging bahagi ng kawayan sa kultura ng mga Pilipino. Sa katunayan, hindi na mabilang ang mga kapakinabangang nakukuha rito. Gamit ang kawayan, mayroong mga bahay na masisilungan. Bukod dito, maari ring makalikha ang malikot na pag-iisip ng tao ng mga bagay na maaring maging laman ng kanyang tahanan. Naihahambing din ang pag-uugali ng Pilipino sa kawayan kung kaya nga nagsilbi rin itong inspirasyon sa paggawa ng mga awit at tula. Sa kasalukuyan, kinikilala ang Iloilo bilang “Bamboo Capital of the Philippines”. Ito ay dahil sa malawak nilang plantasyon ng kawayan at malaking industriya na siyang pinagkukunan ng pangangailangan ng mga Ilonggo. Sa pagpapalawig ng nasabing usapin, tinutukoy ng pag-aaral na ito ang mga naging epekto ng malikhaing industriya ng kawayan sa kultura ng mga taga Maasin, Iloilo at Jaro, Iloilo City. Dagdag pa nito, sinisilip din ng papel na ito ang kasalukuyang sitwasyon ng industriya kung saan kikilalanin ang mga nakikilahok dito tulad ng ahensya ng pamahalaan, mga asosasyon at mga pagawaan. Kaalinsabay nito, kinikilala din ang kanilang mga naging partisipasyon sa malikhaing industriya ng kawayan. Nilalahad din ng pag-aaral ang mga kasalukuyang produktong yari sa kawayan pati na pangkalahatan (general) na proseso ng paggawa ng mga ito. At dahil bago ang konseptong malikhaing industriya binibigyang pakahulugan ng papel na ito ang nasabing konsepto ng sa gayon ay makita ang kahalagahang ginagampanan ng malikhaing industriya sa kultura at ekonomiya ng bansa. Ang paggawa ng iba’t ibang mga produktong kawayan sa Maasin ay may mahaba ng kasaysayan sapagkat ito’ y nagsimula pa noong panahon ng kanilang mga ninuno. Samakatuwid, tinuturing na nila itong tradisyon. Dekada ’90 naman ng magsimulang magbigay tuon pansin ang mga pagawaan sa Jaro, Iloilo City sa paggamit ng kawayan bilang pangunahing hilaw na materyales sa paggawa ng kanilang mga produkto. Karamihan sa mga produkto ng parehong nabanggit na lugar ay mga gawang kamay (handcrafted). Dagdag pa nito, may mga kumbinasyon o halong iba pang materyales ang mga produkto tulad ng metal, capiz, tela at marami pang iba. Patuloy ang sinasagawa nilang pagpapaunlad sa kanilang mga produkto sa pamamagitan ng mga pagsasanay at pagtingin sa iba’t ibang media gaya ng magazines at kompyuter. Nakikilala naman ang mga produktong iyon sa pamamagitan ng mga exhibition, at mga selebrasyon gaya ng Iloilo Kawayan Market Week at Tultugan Festival. At upang mapangalagaan ang nasabing kaalaman pati na kanilang kapaligiran, mayroong mga paaralang may mga asignatura o nagbibigay mismo ng kurso patungkol dito. Umaagapay naman ang pamahalaan lain na ang DTI, mga ahensyang nasa ilalim nito at mga asosasyon sa mga pagawaan upang lumago ang nasabing industriya sapagkat malaki ang porsyentong naibabahagi nito sa kanilang ekonomiya. en_US
dc.title “Epekto ng Malikhaing Industriya ng Kawayan sa Kultura ng mga taga-Maasin, Iloilo at Jaro, Iloilo City” en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account