Abstract:
Ang katanungan ng pag-aaral ay “Paano mauunawaan ang tradisyon
ng Putong Polo sa lungsod ng Valenzuela?" Upang masagot ang katanungang ito, nagsagawa ng sumusunod na
kaparaanan: (1) Sa pagkalap ng datos, nagsagawa ng pakikipanayam
sa daiawang pangunahing impormante. Sila ay sina Maria Teresa Nieva
Mendoza na mas kilala bilang Nanay Tess, at Yolanda Gutierrez na mas
kilala bilang Nanay Yolie. Snowball technique ang ginamit na
pamamaraan sa pagpili ng kakapanyamin kung saan, ang mga taong
kinapanayam na ay hiniling na magrekomenda ng iba pang too na sa
pagkakaalam nila ay may kaalaman sa paksa at patuloy ang
prosesong ito hanggang nakalikom ng sapat na bilang ng
kakapanayamin at higit sa lahat, ng sapat na datos. Nakalikom rin ang
mananaliksik ng ilang mga datos sa mga akdang naisulat na patungkol
sa paksa. (2) Sa pagsusuri ng datos, nagsagawa ng thematic analysis at
conceptual analysis. (3) Sa pagtasa ng mga datos, naayon ito sa key
informant sourcing. Pagkatapos masuri at mabigyang-interpretasyon ang mga datos,
lumabas na maaring maunawaan ang tradisyon ng Putong Polo sa
pamamagitan ng pag-alam sa mga sumusunod na pangunahing
elemento: (1) origin o pinagmulan nito, na ito ay ang lugar ng Polo o
lungsod ng Valenzuela, sa kasalukuyan (2) kaparaanan ng paggawa
ng Putong Polo, na maaaring ibuod sa mga sumusunod na hakbang:
una, pagbababad at paghuhugas ng bigas; ikalawa, pag-giling sa
bigas; ikatlo, pag-s/eam o pagpapaalsa sa bigas at; ikaapat,
pagpapalamig sa puto bago ibenta; (3) agents ng tradisyon, na ito ay
ang mga magpuputo (4) buyers o mamimili ng Putong Polo, na siyang
mga mamamayan ng Valenzuela at maging ang mga taong
dumarayo mula sa mga karatig-lugar ng Valenzuela (5) pagbabago sa
tradisyon ng Putong Polo, (6) kagamitan sa paggawa ng Putong Polo,
na tumutukoy sa pugong lutuan at mga hulmahan ng puto (7) itsura o
kaanyuan ng Putong Polo, na tumutukoy sa daiawang kulay nito na puti
at pula at, (8) sangkap sa paggawa ng Putong Polo, na bigas, tubig,
asukal at pampaalsa. Buhay pa ang tradisyon sa kasalukuyan at marami pang inobasyong
maaaring magpaunlad dito bilang isang kultural na industriya.