Abstract:
Ang tanong ng pag-aaral tungkol sa tradisyon ng pagtatanim ng mga
Alangan Mangyan sa Naujan Orientai Mindoro ay, “Paano maipapakahulugan at
maipapakita ang tradisyon ng pagtatanim - kamote ng mga Aiangan Mangyan?” Upang mabigyang kasagutan ang suliraning ito,
nagsagawa
ang
mananaiiksik ng pagkalap ng datos sa mga aklatan upang makakuha ng mga
impormasyon at upang maisagawa ang pag-aarai. Nagpunta rin sa Sugar ng mga Aiangan ang mananaiiksik upang magsagawa ng panayam batay sa paghahanap ng mga “key informant' sa mga Aiangan na makakatuiong sa pag
sagot sa suliraning nabanggit. Matapos ang pagkalap ng datos, binigyang pagsusuri ng mag-aarai ang mga
datos na nakalap batay sa kaniiang mga sagot sa katanungan at ilan pang mga
kwentong kusa nilang ibinigay nang walang katanungan. Nagkaroon din ng
ebalwasyon batay sa pag-aaral at sa tradisyon ng pagtatanim ng mga Aiangan
mula sa paningin ng mga Aiangan Mangyan mismo at sa pansariiing pagtatasa
ng mag-aaral bilang tagamasid. Batay sa masusing pag-aarai at pagkaiap ng mga datos sa paksang ito ay
nag-karoon ng kasagutan ang suliraning inihayag at pinapakita na ang tradisyon
sa pagtatanim ng kamote ay mauunawaan sa pamamagitan ng mga sumusunod
na katangiang nahango: Una, napag-aiaman na may malalim na kaugnayan sa
mundo ng mga espirito ang pagtatanim; Ikalawa, napag-aiaman na may pagpapahafagang ipinapakita ang mga Alangan Mangyan sa kalikasan sa kanilang pagtatanim na makikita sa kanilang mga paniniwala at ritwal; at Ikatlo,
makikita ang pagpapahaiaga nila sa kapwa Alangan. Higit sa lahat, naipapakita
nila sa kanilang pamamaraan ang matibay na pagpapahaiaga sa kailikasan at sa
mga espritu kahit sa ngayon kung kaya’t makikita at mauunawan kung bakit
hanggang sa kasalukuyan ay nabtibuhay pa rin ang kanilang tradisyon sa
pagtatanim.