DSpace Repository

Mga Kuwento sa Likod ng ‘Lutong Gipit’ Suring-Nilalaman at Suring-Diskurso sa Talanggunita sa Penomena ng Gutom ng mga Kababaihang Magbubukid ng Lupang Ramos, Cavite

Show simple item record

dc.contributor.author Baldemor, Bianca Ysabelle M.
dc.date.accessioned 2023-05-12T05:56:02Z
dc.date.available 2023-05-12T05:56:02Z
dc.date.issued 2022-06
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2167
dc.description.abstract Sa gitna ng rumaragasang pandemya, higit na sinasalamin ng pagkain ang sosyo-ekonomikong kalagayan ng isang pamilya. Kung sisiyasatin ang mga resipeng kinokonsumo ng bawat isa, nakakaalarmang ang iba ay kumakain bilang pangnamnam ng kanilang panlasa, habang ang iba’y kumakain lang ng payak para lamang mabuhay. Nilayon ng pananaliksik na tingnan ang sistemang pagkain sa mga mata ng kababaihang magbubukid — upang alamin ang mga nananaig na kabalintunaan sa pangangasiwa ng pagkain, pagtatahi ng kanilang panlipunang identidad, at konseptuwalisasyon ng masusing pakikibaka sa panahon ng pandemya. Gamit ang mga primaryang dulog na suring-diskurso at suring-nilalaman na nilapatan ng lente na ekopemismo, gamit ang batayang teorya at penomenolohiya, tinukoy sa pananaliksik ang metaporikal na lengguwahe ng pagkain at ang malagim na realidad na sinasalamin nito. Mahihinuha na ang “Kuwento ng Lutong Gipit” ay isang herstory from below na nagsisimula at nagtatapos sa kusina ng bahay — isang espasyo at balwarte ng ahensyang pantao ng kababaihang magbubukid. Palasak ito sa mga lokal na hunger hotspots na lunduyan ng kronikong paghihikahos, partikular sa kaso ng Lupang Ramos na lupos sa panghihimasok. Natagpuan na dehado ang bawat yugto ng sistemang pagkain — mula bukid hanggang plato — kaya’t ang araw-araw ay nauuwi sa badyang “sapat lang, o kulang pa.” Gamit ang tala-lutuang pangkaligtasan na ‘Lutong Gipit: Mga Resipe sa Gitna ng Krisis’ bilang artepakto, natukoy na krusyal ang mga kababaihang magbubukid para sa pagpapadayon ng sistemang pagkain. Kung bubuwagin lamang ang mga isteryotipo, maipamamalas nila ang kanilang taglay na ahensya at talento — na minamarkahan ng bukod-tanging ‘pedagohika ng gipit’ at mga saligang pagpapahalaga. Sa pagsusuma, ang Lutong Gipit ay isang hamon tungo sa re-writing at re-righting ng kasaysayan — sa pamamagitan ng mga radikal na elementong nakapaloob sa paradigma ng “rebolusyon mula sa hapag-kainan,” makakamit ang tunay na layunin ng tala-lutuang ito — na balang-araw, magsisilbi itong artepaktong magagamit bilang ‘pagbabalik-tanaw’ lamang sa kasaysayan sapagkat napawi na ang penomena ng gutom. en_US
dc.title Mga Kuwento sa Likod ng ‘Lutong Gipit’ Suring-Nilalaman at Suring-Diskurso sa Talanggunita sa Penomena ng Gutom ng mga Kababaihang Magbubukid ng Lupang Ramos, Cavite en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account