dc.description.abstract |
Mamamasdan na ang mga tao, magi ng sa kasaysayan ay nakikinabang sa kalinangan na
naibibigay ng tubig kung kaya ay naninirahan sa tabi nito. Sa Pilipinas, ang mga sinaunang tao
ay nanirahan din sa mga katubigan hanggang sa dumami at makabuo ng pamayanan. Mahalaga
ang tubig hindi lamang dahil sa ito ay pinagkukunan ng mga pangunahi ng pangangailangan lulad
ng pagkain kundi ito rin ay daan sa pakikipagkalakalan, transportasyon, komunikasyon, at
pakikisalamuha sa iba't ibang tao mula sa iba't ibang panig. Isa sa pinakamahalagang kalawan
ng tubig ay ang Ilog Pasig na siyang pangunahing salik sa pag-aaral na ito.
Kilala ang Ilog Pasig sa kanyang kalanyagan sa kasaysayan subalit sa paglipas ng
panahon ay nawala ang kinang at namatay nang dahil sa pagsibol ng industriyalisasyon al
urbanidad sa tabi nito. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung ano ang relasyon ng tao at
ng ilog sa kasulukuyang konteksto sa kabila ng sinapit ng Ilog Pasig.
Nais din na mapahalagahan ang ilog sa pamaniagitan ng pagbabalik sa kasaysayan at
pagpapakita sa naging kontribusyon nito sa Kalakhang Maynila at sa Pilipinas na rin sa kabuuan.
Bilang sampol ay pinili ng may-akda ang dalawang barangay sa Distrito VI na matatagpuan sa
Sta Ana, Maynila. Ito ay ang Barangay 876 at Barangay 883 na malapit din ang lokasyon sa isa't
isa. Sa pamaniagitan ng pagkuha ng pagtingin ay inalam ang kasulukuyang interaksyon ng mga
mamamayan at ng ilog. Gayundin, ang katangi-langing kultura na nabuo sa mga pamayanan na
nananahan sa pampang ng ilog
Sa huli, nais ng may-akda na muling magbalik ang Ilog Pasig sa puso ng bawat isa sa
pamamagitan ng pagpapakita ng kapakinabangan ng ilog sa kabila ng kondisyon nito. G ay u nd in
ang pagkabuhay ng masidhing damdamin na muling maibalik ang kanyang kinang. |
en_US |