dc.description.abstract |
Bilang estudyante, tama lamang na sa mala-pyudal at mala-kolonyal na lipunang
mayroon tayo ay makipag-ugnayan tayo sa mas malawak na masa. Sa bahaging iyon
ay kailangan natin ng pagkakaisa, lalo na sa mga naaping sektor. Ayon kay Dr. Ed
Villegas, sa isang interbyu na isinagawa noong 2002 ng isang mag-aaral sa
Unibersidad ng pilipinas, uang mga estudyante ay may panahong mag-aral (ukol sa
pulitika” at saka magmulat, ipaliwanag kung bakit ganoon ang society, saka yung mga
posisyon ng mga uri".
Alam din natin na nagkalat na ang mga salik na pwedeng magpaiba ng atensyon
ng mag-aaral. Ito ay ang mga pang-aliw na dulot ng kulturang popular. Marami nang
pwedeng pagkaabalahan ang mga mag-aaral bukod sa usaping pulitika.
Dahil dito minarapat ng mananaliksik na silipin ang kalagayan ng kamulatan sa
pulitika ng mga mag-aaral at ang mga relatibong epekto ng kulturang popular dito.
Nilalayon ng pananaliksik na ito na maiparating sa mga mag-aaral ang
kahalagahan nila sa lipunan, ang kanilang papel dito at kung paano nila mabisang
magagampanan ito. |
en_US |