dc.description.abstract |
Ang pananaliksik na isinagawa ay nagnais na mabigyang linaw
ang suliraning: Paano mauunawaan ang pagdiriwang ng Regada sa
Cavite City?
Sa ilalim ng suliraning ito ninais din ng pag-aaral na ito
ang bigyang kasagutan ang sumusunod na katanungan: una, Paano
nagsimula ang pagdiriwang ng Regada sa Cavite City?, ikalawa,
Ano ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito?, ikatlo, paano ito
kasalukuyang pinamamahalaan ng Cavite City Tourism Council?
Nangalap ng mg a datos sa pamamagitan ng mg a panayam sa mg a
namamahala sa pagdiriwang, mga residente sa Padre Pio at
''Palace" at mg a nakikilahok sa pagdiriwang, obserbasyon, at
pagsasaliksik mula sa mga libro, babasahin, dyaryo at internet.
Ang mga nakalap na datos ay sinuri sa pamamagitan ng descriptive
analysis at paghanap ng nthematic patterns^ sa mga nakalap na
impormasyon.
Ang mga datos na nakalap ay tataasin sa
pamamagitan ng Community Validation.
Sa pagtatapos na 1 aman na ang pagdiriwang ng Regada sa
lungsod ng Cavite ay nakaugat sa kapistahan ni San Juan Bautista
na ipinagdiriwang ng mga taga Padre Pio at ''Palace" bilang
pasasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap mula sa
katubigan dahil na rin sa pagbabasbas ni San Juan Bautista rito.
工to ay binubuo ng mga di-materyal at materyal na elemento. Ang bumubuo sa materyal na elemento ng pagdiriwang ay ang mga
aktibidad na isinasagawa at ang bumubuo naman sa di-materyal na
elemento ay ang kahalagahan at kabuluhan nito sa mg a mamamayan
at lungsod. Ang pagdiriwang ng Regada ay masasabing isang
simbolo ng kultura at pagkataong-bayan ng Cavitenos. Mahalaga
ang pagdiriwang dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
kakakitaan ito ng pagkarelihiyoso at paniniwala ng mg a Caviteno
kahalagahan ng pangangalaga sa tubig, paggugunita sa kasaysayan
ng lungsod,■ kultural na aspeto at pagpayabong sa industriya ng
turismo ng lungsod. Ito ay manipestasyon ng kultura, paraan ng
pamumuhay, paniniwala at kasaysayan ng mga mamamayan at lungsod
ng Cavite. Bagamat ang Cavite City Tourism Council ang
pangunahing namumuno sa pagdiriwang, kaagapay nito sa
pagpapatupad ng pagdiriwang ang lokal na pamahalaan, mga
organisasyon, pribado at publikong sektor at mga mamamayan.
Bagamat magkakahiwalay na bahagiz tulong-tulong at nagkakaisang
kumikilos para sa pagdiriwang ng Regada. |
en_US |