DSpace Repository

Ang Tradisyon ng Pagbabansag sa Tibag, Baliwag Bulacan

Show simple item record

dc.contributor.author Legaspi, Rowena Marie M.
dc.date.accessioned 2023-10-25T23:12:02Z
dc.date.available 2023-10-25T23:12:02Z
dc.date.issued 2007-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2503
dc.description.abstract Layunin ng Tesis na ito na malaman kung paano magbansag ang mg a naninirahan sa Tibag, Baliwag Bulacan, sinu-sino ang kanilang binabansagan at ang kahalagahan ng pagbabansag para sa kanila. Ang mg a datos ay nakalap sa pamamagitan ng mg a librong may kinalaman sa pagpapangalanz sa pagbabansag sa tao, sa Tibag, Baliwag Bulacan, sa mg a internet sites at sa mg a key informants. Ang mga key informants na ay sampu na pawang may kinalaman sa pagbabansag, mga nagbabansag at mga binabansagan. Ang datos ay nakuha karamihan sa mga panayam sa kadahilanang wala pang nasusulat ukol sa pagiging tradisyon ng pagbabansag sa Tibagz Baliwag Bulacan. Ang Tradisyon ng Pagbabansag sa Pangalan sa Tibag, Baliwag Bulacan ay nangyayari sa mga magkakapangalan na tao at para bigyan ng papurihan ang isang tao. Mahalaga para sa kanila ang pagbabansag para madaling matukoy ang mga taong magkakapangalan at para ipakita sa taong nakagawa ng mabuti ang kanyang kahalagahan. Sa pagbabansag, walang pinipiling tao, mayaman ka man o mahirap, may trabaho man o wala, maski ang mga may matataas na posisyon sa Baliwag at Tibag ay may bansag din. Ang madalas na reaksyon ng mga binabansagan ay minsang naiinis at minsan naman ay nagagalit. Ang dahilan ng ganitong mg a reaksyon ay dahil sa inaakala nilang hindi sila tanggap ng mga taong nakapaligid sa kanila at ipinapamukha ang mg a pisikal na kaanyuan na para sa kanila ay hindi maganda. Ngunit sa pagtatapos ng pag-aaral na ito ay napatunyan na ang pagbabansag ay hindi para mang-insulto ng tao. Ito ay para makilala ang tao. Napatunayan din sa pag-aaral na ito na ang pagbabansag ay matagal ng ginagamit at kasama ito sa pang- araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Sa pamamagitan din ng pagbabansag na ito ay maaaring makabuo ito ng relasyon sa pagitan ng nagbabansag ay binabansagan. en_US
dc.title Ang Tradisyon ng Pagbabansag sa Tibag, Baliwag Bulacan en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account