dc.description.abstract |
Isa ang munisipalidad ng Malolos sa mga lugar na
mapapalad na nabiyayaan ng mga puno ng niyog kung kaya
hindi nakapagtatakang isang tradisyon ng pagpapalamuti
garnit ang dahon ng niyog at buli na kung tawagin ay ''puniz,
ang matatagpuan dito.
Dahil sa kakaunti pa lamang ang mga lathalaing nasusulat
patungkol sa tradisyong ito, nagsagawa ang may-akda ng
isang pag-aaral na sasagot sa pangunahing katanungan na
''An。ang tradisyong puni sa Malolos, Bulacan?,/ Bukod dito,
ilan pang mga katanungan ang sasagutin sa pag-aaral upang
lubos na maunawaan ang 、'puni〃 at malaman ang papel ng
tradisyong ito sa lipunan. Upang masagot ang suliranin ng
pag-aaral, nagsagawa ang may-akda ng pakikipag-panayam sa
mga taong may kaa.laman ukol sa 、'puni〃 at kasabay nito ay
ang pagpapaturo rin sa pagbuo ng ilan sa kanilang mga
likha. Nagtungo rin sa ibaz t-ibang aklatan ang may-akda
upang mangalap ng mga lathalaing may kinalaman sa napiling
paksa. Ang mga datos ay nasuri sa pamamagitan ng
descriptive, thematic at conceptual na analisis at natasa
sa pamamagitan ng community validation.
Matapos makalap, masuri, at matasa ang mga datos ay
napag-alaman ng may-akda na malaki ang ginagampanang papel
sa lipunan ng tradisyong ''puni,/ sapagkat nagsisilbi itong
libangan, hanapbuhay at salik ng pagsasalin ng karunungan
na nagpapaigting ng pagkataong panloob ng isang indibidwal.
Ito ay mauunawaan bilang isang sining bayan na isinasagawa
ng mga tao sa pangaraw-araw bilang libangan, kagamitan sa
bahay at palamuti. |
en_US |