Abstract:
Noon pa man ay isang napakabigat na isyu na ng kawalan ng kredibilidad ng halalan sa
Pilipinas. Dahil sa talamak na dayaan tuwing halalan, tila nagiging makinarya na lamang ang
eleksyon upang mapanatili ang kapangyarihan ng mga naghaharing uri. Kaya naman kabi
kabila ang pagkilos ng iba't ibang sektor upang ayusin ang moda ng halalan dito sa bansa.
Ang pag automate ng halalan ang nakitang solusyon ng gobyerno upang mabigyan ng
lunas ang mga problemang kakabit ng halalan. Yun nga lamang ay marami pa ring nakitang
problema sa paggamit ng ganitong uri ng teknolohiya. Ang katotohanang wala pang makina
saan mang panig ng mundo ang masasabing may sapat na kakayanan upang maging bukas
ang halalan ay pinalala pa ng problemadong pamamahala ng Comelec sa nagdaang automated
na halalan. Bagamat nagkaroon ng kapansin pansin na pagbabago sa porma ng halalan noong
2010, nanatili pa rin ang mga lumang problema at ang masakalap ay nadagdagan pa ito ng
mga bago problema.