DSpace Repository

PESANTE: Isang pagsusuri sa mga ambag ng lider sa pagsulong ng batayang karapatan sa hanay ng magsasaka, mangingisda at katutubo

Show simple item record

dc.contributor.author Tayag, Abigail C.
dc.date.accessioned 2015-11-05T02:51:14Z
dc.date.available 2015-11-05T02:51:14Z
dc.date.issued 2011-03
dc.identifier.uri http://cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/295
dc.description.abstract Nananatiling agrikultural na bansa ang Pilipinas. Ang mga magsasaka ang pangunahing sandigan ng ating ekonomiya. Ngunit sa mga nagdaang panahon, nananatili pa ring atrasado ang ating agrikultura na naglulugmok sa mayorya ng ating populasyon sa kahirapan. Ang pakikibaka ng mga magbubukid ay malaon nang bahagi ng kasaysayan. Lalo pa itong pinaigting ng patuloy na pagsasamantala ng mga mananakop at ng mga lokal na naghaharing-uri. Nananatili pa rin sa monopolyo ng iilang tao ang pangunahing salik ng produksyon—ang lupa. Ang mga suliranin na dala ng hindi pantay na relasyon sa pagitan ng panginoong maylupa at magsasaka ang dahilan kung bakit maraming maralitang magsasaka ang nag-aklas at umanib sa iba’t ibang samahanag magbubukid upang baguhin ang relasyon na ito at tuluyang wakasan ang monopolyo sa lupa. Dahil sa pagsasamantala sa uring magsasaka, gayundin sa sektor ng mangingisda at katutubo, malaki ang naging ambag ng mga lider pesante sa pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa hanay ng masang api. Sila ang mga pangunahing nagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka para sa lupa; karapatan ng mga mangingisda para sa pangsidaan sa bansa; at karapatan ng mga katutubo para sa lupang ninuno at sariling pagpapasya. Ang kanilang dedikasyon sa pagkilos ay hindi matatawaran. Ang kanilang mga naging ambag sa pagtatagumpay ng kilusang magbubukid ay mananatiling inspirasyon sa lahat upang magpatuloy pa sa paggigiit na maipatupad ang tunay na repormang agraryo at matamo ang pambansang demokrasya. en_US
dc.language Fi en_US
dc.subject Peasants leaders en_US
dc.subject Peasants organization en_US
dc.title PESANTE: Isang pagsusuri sa mga ambag ng lider sa pagsulong ng batayang karapatan sa hanay ng magsasaka, mangingisda at katutubo en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account