DSpace Repository

Sa Likod ng Makukulay na Papel: Pag-aaral sa Sining ng Borlas de Pastillas ng San Miguel at Malolos, Bulacan sa Gitna ng Modernisasyon

Show simple item record

dc.contributor.author Adorna, Hannah G.
dc.date.accessioned 2025-09-29T04:39:17Z
dc.date.available 2025-09-29T04:39:17Z
dc.date.issued 2025-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3278
dc.description.abstract Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa Borlas de Pastillas bilang sining ng malikhaing paggupit ng papel na bahagi ng tradisyong panlipunan sa San Miguel at Malolos, Bulacan. Nilalayon nitong ilarawan ang kasaysayan, proseso, at disenyo ng pabalat; tukuyin ang hamon sa pagpapanatili; at suriin ang epekto ng market integration at papel ng mga institusyon sa patuloy na pag-usbong ng sining sa makabagong panahon. Gamit ang kwalitatibong pananaliksik at panayam sa mga artesano, opisyal ng turismo, at lokal na negosyante, natukoy na ang Borlas de Pastillas ay sagisag ng pagkakakilanlan ng komunidad. Subalit, dulot ng mga hamong kinaharap ng sining, humina ang presensiya nito sa lokal na komunidad dahilan ng pagsanib nito sa komersyalisasyon. Gamit ang Culture Industry Theory nina Adorno at Horkheimer, nasuri ang tensyon sa pagitan ng kultural na integridad at pangangailangan makisabay sa modernong panahon. Gayunpaman, napatunayan sa pananaliksik ang potensyal ng Borlas de Pastillas na makapagpatuloy sa pamamagitan ng inobasyon—gaya ng paggamit ng modernong disenyo at materyales, integrasyon nito sa fashion, paggamit ng social media. Bagaman hindi na maiiwasan ang mga pagbabagong dulot ng modernong panahon, ang mahalaga ay nananatili ang tradisyunal nitong proseso sa paggawa—isang sining na ginagamitan ng puso, tiyaga, at paggalang sa pinagmulan. Sa kabuuan, nananatili ang Borlas de Pastillas bilang buhay na bahagi ng kulturang Bulakenyo. Ang pagtutulungan ng komunidad, pamahalaan, akademya, at negosyo ang susi sa patuloy nitong pagyabong sa makabagong panahon. en_US
dc.subject Borlas de Pastillas en_US
dc.subject Sining en_US
dc.subject Malikhaing Paggupit en_US
dc.subject Tradisyong Panlipunan en_US
dc.subject Culture Industry Theory en_US
dc.subject Kulturang Bulakenyo en_US
dc.title Sa Likod ng Makukulay na Papel: Pag-aaral sa Sining ng Borlas de Pastillas ng San Miguel at Malolos, Bulacan sa Gitna ng Modernisasyon en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account