DSpace Repository

Oplan Dragdagulan: Ang Paggalugad sa Drag Den bilang isang Silong ng Kultura at Karanasan ng Sangkabaklaang Pilipino

Show simple item record

dc.contributor.author Peralta, Arnel James
dc.date.accessioned 2025-09-29T04:50:04Z
dc.date.available 2025-09-29T04:50:04Z
dc.date.issued 2025-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3279
dc.description.abstract Hindi lahat ng bato ay ipinagbabawal. Dahil sa loob ng papel na ito, isang lungga ng mga adik ang inimbestigahan—ang hideout ng mga lulong sa drag. Matapos galugarin ang Drag Den, isang reality drag pageant na itinampok ang sariling wangis ng drag na umiiral sa bansa, natagpuan ng pananaliksik na ito ang mga ebidensyang pinanday sa loob ng palabas ang sumalamin sa kultura at karanasan ng sangkabaklaang Pilipino. Sinimulan ang imbestigasyon sa kumpletong panonood ng labing-anim (16) na episodes na mayroon ang palabas. Inilista ang mga detalyeng natunghayan mula rito na sumailalim sa proseso ng thematic analysis na nagluwal naman sa mga temang sinuri batay sa tatlong dalumat na inilapat sa pag-aaral. Una, ang paghugot sa kulturang bakla ni Garcia (1996), sunod, ang baklang humor na nakasandal sa konsepto ng humor ni Ancheta (2011) at pangatlo, ang salaysaying inilatag ni Garcia (2020) tungkol sa karanasang bakla. Sa tulong ng mga kaparaanang nabanggit, natagpuan sa pinangyarihan ang umaapaw na paggamit ng gayspeak kasama ang pagbida ng mga gayak at talentong bitbit ng isang konteserang bakla. Bukod rito, tumambad rin ang iba’t ibang tagpong nakitaan ng tatlong manipestasyon ng baklang humor: mula sa (1) incongruity, (2) superiority, hanggang sa mga tagpong taglay ang (3) release humor. Higit sa lahat, isiniwalat ng papel na ito ang mga katibayang laman ang mga kwentong ibinunyag ang karanasang natatamasa ng isang bakla sa bansa. Kaya naman, napatunayan ng kwalitatibong papel na ito na ang drag bilang isang anyo ng sining ay isang pwersa ng pagpiglas. Ang pagpiglas ng sangkabaklaan sa isang macho at heteronormatibong pamantayan. Ang drag na isang kasong walang sala, kundi isang sining na magpalaya. Bading, ang bato, Drag na! en_US
dc.subject Drag Den en_US
dc.subject Reality Drag Pageant en_US
dc.subject Kultura en_US
dc.subject Karanasan en_US
dc.subject Gayspeak en_US
dc.subject Sining en_US
dc.title Oplan Dragdagulan: Ang Paggalugad sa Drag Den bilang isang Silong ng Kultura at Karanasan ng Sangkabaklaang Pilipino en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account