dc.description.abstract |
Ang marketing ay hindi lamang ginagamit sa aspekto ng negosyo, ginagamit din ito
bilang kagamitan sa pagpapakilala ng programang pang-unibersidad. Sa pag-aaral na ito, ginamit
ang marketing bilang kasangkapan sa pagpapakilala ng programang Batsilyer sa Arte ng Sining
ng Pilipinas (Pamanang Kultural at Pamamahala sa Sining) ng Unibersidad ng Pilipinas Manila.
Bilang ang programang ito ay nagbibigay-kontribusyon sa pag-aaral ng kasaysayan, sining at
kultura ng bansa, mahalagang maipakilala ang mayaman at makulay na nilalaman ng programa.
Upang tugunan ang pagpapakilala ng programa sa loob at labas ng unibersidad, inalam ng
pananaliksik na ito kung paano ipinapakilala ang programa sa pamamagitan ng pagpokus sa
promosyon sa ilalim nito at matapos nito ay bumuo ng kagamitan na makakatulong sa
pagpapakilala ng programa gamit ang isang marketing plan. Ang unang hakbang na isinagawa
ng mananaliksik ay ang pangangalap ng datos mula sa iba’t ibang research databases, jornal at
artikulo. Nagsagawa rin ng pakikipagpanayam sa tagapag-ugnay ng programa (nagsilbi bilang
tagapamahala ng promosyon) at Focus Group Discussion (FGD) sa mga mag-aaral ng programa.
Mula sa mga nakalap na datos, sinuri ng mananaliksik ang estado ng promosyon ng programa sa
kasalukuyan, nang may tuon sa mga online o digital na plataporma na mayroong kaugnayan sa
pagpapakilala ng programa. Sinuri ang kasalukuyang estado ng promosyon ng programa gamit
ang 4Ps Marketing (Khan at Kanjanarat, 2024), SWOT Analisis (Gurel, 2017) at PASTA
framework ni Zweers (2015). Batay sa pagsusuri bumuo ng isang komprehensibong marketing
plan kung saan kasama ang paglikha ng webpage. |
en_US |