dc.description.abstract |
Ang Janus Silang ay isang serye ng mga nobelang pangkabataan o young adult
(YA) na isinulat ni Edgar Calabia Samar. Ito ay isang kuwentong nakasentro sa
pakikipagsapalaran ng binatilyong si Janus sa iba’t ibang mga secondary worlds na hitik
sa hiwaga at kababalaghan ng Philippine folklore. Sa pag-aaral na ito, sinipat ng
mananaliksik ang iba’t ibang mga pamamaraan, dahilan, at pahiwatig ng world-building
o pagkatha ng mga imaginary worlds gamit ang apat na lapit: (1) ang subcreation
theory; (2) young adult literature; (3) mythopoeia; at (4) ang konsepto ng folkoresque
kung saan nakapailalim ang mga moda ng integration, portrayal, at parody. Bukod sa
pagbabasa at pagsusuri sa nilalaman ng mga nobela ay kinapanayam din ng
mananaliksik ang may-akda ng serye, mga kinatawan ng palimbagang Adarna House,
Inc., at isang guro ng Filipino mula sa Xavier School Nuvali upang maiugnay ang mga
mundo ng Janus Silang sa target audience nito.
Batay sa mga nakalap at nasuring datos ay napatunayan ng pag-aaral na ito ang
bisa ng world-building sa Janus Silang dahil nagsilbi itong tulay at gabay sa pagtuklas
ng kabataan hindi lamang sa mga kuwentong-bayan ng Pilipinas kung hindi pati sa
kanyang sarili at lipunan. Napatunayan din ng pag-aaral na nananatiling makabuluhan
ang folklore sa kasalukuyan dahil sa patuloy na pagsangguni rito ng mga manunulat at
pagtangkilik ng mga mambabasang nahahalina sa mga akda nila. Inilarawan ng mga
pagbabagong iniangkop ni Samar sa Janus Silang ang mga kuwentong-bayan bilang
kasangkapan ng pagbabagong maaaring isabuhay ng kabataan sa tunay na mundo.
Samakatuwid, ang mga ganitong uri ng panitikan ay naghahawan ng daan at lagusan
tungo sa isang mundong higit pa sa nararanasan natin ngayon. |
en_US |