DSpace Repository

Barik: Isang Pag-aaral sa Konsepto at Pamamaraan ng Inuman o Barik ng mga Taga Janopol Oriental, Tanauan, Batangas

Show simple item record

dc.contributor.author Mercolita, Robert P.
dc.date.accessioned 2025-11-03T04:02:10Z
dc.date.available 2025-11-03T04:02:10Z
dc.date.issued 2001-03-06
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3349
dc.description.abstract Ang pananaliksik na ito ay naglalayong higit na maipaliwanag ang konsepto ng inom o barikan lalong lalo na sa pamumuhay ng mga taga Janopol Oriental, Tanauan, Batangas. Dito tatalakayin ang mga ritwal o mga bagay na nangyayari sa isang barikan o ang ‘pagtitipon-tipon ng ilang katao habang umiinom ng alak. Kasama sa susuriin ang mga ritwal bago ganapin ang barikan, habang ginaganap ang barikan, at pagkatapos ng isang barikan. Mapapaloob din sa pananaliksik na ito ang mga kaugalian ng mga Pilipino na ipinapakita sa konsepto ng barikan. Ipapaliwanag din sa pananaliksik na ito na ang mga ritwal at mga kaugalian na natatalakay sa itaas ay kulturang Pilipino. Ang Barangay Janopol Oriental ay isa sa tatlong bumubuo ng dating Barangay Janopol. Ito ay nagtataglay ng populasyon na 2176 na katao na binubuo ng 486 na kabahayan. Ang baranggay na ito ay sakop ng bayan ng Tanauan, Batangas na maituturing na isang “semi-urban” na bayan kung saan may nga establisimentong pangkomersyo na makikita sa mga pook urban. Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay base sa mga naibigay na impormasyon ng mga mamayan ng barangay Janopol Oriental na binubuo ng mga kalalakihan at kababaihan at base rin sa edad. Base sa mga nakalap na datos, makikita na halos lahat ng mga kalalakihan sa pook na ito ay nakikibarik o sumasali sa mga barikan ngunit magkaiba base sa edad. Sa panig naman ng mga kababaihan, bihira o halos wala sa mga nakakatandang babae ang nakikipagbarik ngunit may iilan at paminsan-minsan sa mga babaing may-edad na 18 taon pataas. Karaniwan, ang pagbabarik ayon sa mga nakapanayam ay bunga o impluwensya ng mga kaibigan, ang mga nakaugalian na mga gawain at konsepto sa lipunan, at ang impluwensya ng mga magulang. en_US
dc.subject barikan en_US
dc.subject ritwal en_US
dc.subject inom en_US
dc.subject kaugalian en_US
dc.subject kulturang Pilipino en_US
dc.title Barik: Isang Pag-aaral sa Konsepto at Pamamaraan ng Inuman o Barik ng mga Taga Janopol Oriental, Tanauan, Batangas en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account