| dc.description.abstract |
Ang bayan ng Tiwi ay kilala bilang luklukan ng
mga dinahon o mga produktong gawa sa clay o mapulot sa
dayalektong Bikol. Ito ay isang kasanayang nagsimula bago
pa man dumating ang mga Kastila na hanggang sa kasalukuyan
ay nagpapatuloy pa rin at bahagi na ng pamumuhay ng mga
tao.
Ang pag-aaral na ito ay isang dokumentasyon sa
tradisyon ng paggawa. Ipapakita dito ang paggawa ng dinahon
bilang isang tradisyon. Ilalahad din ang mga dahilan kung
bakit nagpapatuloy ang kasanayang ito. Nakapaloob dito ang
pagpapakilala sa bayan ng Tiwi at sa tatlong barangay, ang
Bolo, Putsan, at Baybay kung saan nakasentro ang paggawa ng
dinahon sa siyang kumakatawan sa tradisyon sa bayang
ito.Tatalakayin ang mga pamamaraang pinagdadaanan_ sa
paggawa, mga materyales at mga kagamitan sa pagbuo at iba‘t
ibang mga produktong ginagawa sa mga lugar na nabanggit. |
en_US |