| dc.description.abstract |
Ang pananaliksik na ito ay isang pagsusuri sa
kahalagahan ng Ppagpapanday ng kris sa bayan ng Tugaya,
Lanao Del Sur, sa mga Maranao.
Ang Kabanata I ay introduksyon ukol sa paksa. Ito ay
binubuo ng pinagmulan ng paksa, suliranin ng pananaliksik,
Sakop at limitasyon, metodolohiya at kahalagahan ng pag-
aaral.
Ang Kabanata II naman ay nagpapatungkol sa kasaysayan
at buhay ng mga Maranao na naninirahan sa gilid ng Lake
Lanao. Tinatalaky din dito ang bayan ng Tugaya, Lanao Del
Sur-ang sentro ng pagawaan ng kris.
Kabanata III ay nagkukuwento ng tradisyon ng
pagpapanday ng kris ng mga Maranao. Ito ay nagsasalaysay
kung kailan at paano nagsimula ang pagpapanday ng kris sa
Lanao- partikular na sa Tugaya.
Ang Kabanata IV naman ay =nagsasalaysay ng_= mga
materyales, kasangkapan at gamit sa pagpapanday at mismong
proseso ng pagpapanday. Tinatalaky din dito ang mga
katangian ng isang panday.
Nilalarawan naman sa Kabanata V ang pisikal na anyo ng
kris. Tinalakay din dito ang tatlong bahagi ng kris,
tatlong uri at mga disenyong naka-ukit sa danganan at
walaya ng kris.
Konklusyon naman at rekomendasyon ang nilalaman ng
Kabanata VI |
en_US |