DSpace Repository

Pelikulang Indie: for sale, ang ekonomyang pulitikal ng industriya ng malayang pelikulang pilipino.

Show simple item record

dc.contributor.author Gamao, Chastine April P.
dc.date.accessioned 2016-03-11T03:33:49Z
dc.date.available 2016-03-11T03:33:49Z
dc.date.issued 2010-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/344
dc.description.abstract Ang mas malaking makabayang hamon, hindi lamang sa mga tagapagtaguyod ng malayang pelikulang Pilipino ngunit pati narin sa mga mamamayan, ay ang pag-angkop sa pagsusumikap na mabaligtad ang tuntunin ng atrasadong pag-unlad, kasama ng kinahihinatnan ng pagsulong sa panlipunang panunupil at di-pagkakapantay-pantay. Sa huling nabanggit—iminumungkahi nito bilang isang nalalapit at lahat-ngunit-puspos na mga proyekto na nangangako na bubuwisan ang lahat ng tagapagsanay, kabilang ang mga kritiko, ng kulturang pop ng Pilipinas sa kanilang pananagutan sa kasaysayan ng kanilang bansang batbat ng krisis. Sa kasalukuyang panahon, unti-unti nang nagkakaroon ng marka ang Indie sa industriya ng pelikulang Pilipino. Kasalukuyan itong nakikipaggitgitan sa malalaking produksyon ng mainstream. Sa kabila ng iba‘t ibang problema na kinakaharap nito, ito ay isang makabuluhang sining na sumusubok sa isipan ng bawat manonood at higit sa lahat ang bawat Indie film ay sumasalamin sa bawat puso na nag-isip, sumubok at sumugal. Ito‘y ginagawang mabisang tuntungan upang magdulot ng makabuluhang pagbabago sa kasalukuyang lipunan. Magsisilbi ang mga malayang pelikula bilang mabisang pamamaraan upang maipataas ang panlipunang kamulatan ng bawat manonood nito. Patuloy na paiiralin ang isang kulturang makabayan, siyentipiko at makamasang uri ng sining, partikular na sa industriya ng pelikula, kaiba sa nakagisnang pyudal, burgis at kolonyal na kultura sa paraan ng sining na higit na mapagpalaya. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Indie films en_US
dc.subject Filipino movies en_US
dc.title Pelikulang Indie: for sale, ang ekonomyang pulitikal ng industriya ng malayang pelikulang pilipino. en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account