Abstract:
Ang pag-aaral na i to ay tungkol sa Ba tang Atikha Summer
Arts and Crafts Workshop 2004 sa Mabini, Batangas, ang papel ng
sining sa nasabing workshop at ang rnga isyu ng Overseas Filipino
Workers (OFWs) na purnapaloob dito batay sa pananaw ng. rnga
facilitators.
Ginarni t sa pag-aaral na i to ang panayarn sa lahat ng rnga
facilitators sa bawat larangan ng sining (teatro, sining-biswal,
rnusika at sayaw), ang rnga karanasan nila sa pakikisalarnuha sa
rnga bata at ang ebalwasyon nila sa naturang workshop.
Masusi ring inaral ang pinagrnulan ng isyu ng OFW lalo' t
higit ang tungkol sa rnigrasyon. Makikita sa ikalawang kabanata
ang paglalahad ng socio-economic profile ng Mabini, Batangas na
siyang direktang nakakaapekto sa pangingibang-bansa o pagiging
rnigrante ng rnga rnarnarnayan doon. Matapos nito, binigyang detalye
rin ang pag-usbong o pagkatatag ng organisasyong Atikha Inc. na
naglalayong tulungan ang rnga OFW at ang parnilya nito.
Surnunod na inilahad ay ang rnga naganap sa Batang Atikha
Summer Arts and Crafts Workshop. Inisa-isa ang rnga larangan ng
sining na ginarni t, ang teatro, sining-biswal, rnusi ka at sayaw.
Inihain din ang bilang ng rnga kalahok sa bawat larangan at ilang
rnga insidenteng purnasok ang epekto ng rnigrasyon sa ilan sa rnga
bata. Natapos ang pagsasanay at bahagyang naging rnatagurnpay ang
resulta nito. Sa pagsusuring ginawa ng mga facilitator, napansin na sa
kabila ng mga layunin ng Atikha Inc. sa workshop na una, ang
matulungan ang mga bata na maintindihan ang buhay at trabaho ng
kanilang mga magulang sa ibang bansa; pangalawa, ang mapaintindi
sa kanila ang paghihirap at pagsusumikap ng kanilang mga
migranteng magulang at kamag-anak; pangatlo, upang makapagbigay
ng puwang para sa pagbabahagian ng mga karanasan, pagpapakita ng
talento at pagiging malikhain ng mga anak ng OFW; at panghuli,
upang makapagbiqay ng mga ideya at pagkakataon sa mga bata kung
paano maging young entrepreneurs, mas naging dominante pa rin
ang paggamit sa workshop bilang hingahan ng mga suppressed
(conscious o alam ngunit itinatago) na emosyon ng mga bata.
Hindi rin nagkatugma ang layunin ng Atikha Inc. at ng
facilitators.
Kaya naman sa huli, naghain ng mungkahi o suhestyon ang
mananaliksik bilang isa sa mga facilitators ng maaaring maging
daloy ng programa para sa mga susunod na workshop. Dito isinali
ang konsepto ng Expressive Art Therapy o ang paggami t ng iba' t
ibang larangan ng sining (teatro, sining-biswal sayaw, musika,
etc.) sa isang nakatutulong na kapaligiran upang mapasimulan ang
growth at healing. Kapansin-pansin ang kainaman nito sa
konteksto ng mga anak ng OFW.