| dc.description.abstract |
Ang Kuweba Mistika na matatagpuan sa Lungsod ng Antipolo ayon sa
mga kuwento at paniniwala ay itinuturing na isang banal na lugar dahil sa lugar
na ito gumagaling ang mga maysakit, natutupad ang mga kahilingan at
nagagamot maging ang pagkatao ng isang tao bukod pa sa ang mga santo ay
gawa ng kalikasan.
Dahil ang kabanalan ng kuweba ayon sa mga kuwento at paniniwala ukol
dito, mahalagang maisadokumento ito at masuri upang malaman ang dahilan
kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay isinasabuhay pa rin ang mga ito. Isa pa,
upang maiugnay ito sa iba pang lugar sa Pilipinas na may katulad na paniniwala.
Sa kabilang banda, ang Lungsod ng Antipolo kung saan matatagpuan ang
Kuweba Mistika ay tuwina nang dinadayo ng mga tao dahil sa tanyag na imahen
nitong Nuestra Senora de/a Paz Y Buenviaje gayundin dahil sa mga atraksiyon
nito tulad ng Hinulugang Taktak at mga paliguan. Ang lungsod ay maburol at
mabundok dahilan kung bakit maraming natural na atraksiyon tulad ng Kuweba
Mistika.
Natuklasan ang kuweba noong 1970 at mula noon ay dinayo na ng iba't
ibang uri ng tao na may iba't ibang sadya - may sakit, may problema, may
kahilingan o upang mamasyal. Ang kuwebang ito ay nagtataglay ng mga
paniniwala isinasagawa ng mga tao tulad ng pagdaan sa mga puwesto at
pagdarasal sa mga ito.
Kabilang sa mga puwestong ito ay ang Hagdanang-subukan, Tanggalan
ng mga Malas, Krus na lbinilin. Sa loob naman ng kuweba ay mayroong
makiitang hindi mabilang na mga imahen na may kaakibat na paniniwala. Bawat
isa sa mga ito ay ipinalalagay na may kapangyarihang makagaling o kung may
kahilingan man, basta tapat ang pagsamo ay pinaniniwalaang matutupad. llan sa
mga puwesto ng mga santo o imaheng ito ay ang Pieta, Banal na Pamilya,
wishing well, wishing heart, wedding bell, Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos espirito
Santo, Birheng Maria, Moses, Lazaro, gayundin may mga pigura ng tupa, agila,
ahas at kamelyo. Makikita rin sa loob ang tila replika ng Bethlehem, Nazareth at
Arko ni Noe.
Kabilang sa bahagi ng kuweba na nagpapamalas ng kapangyarihang
makapagpagaling ay ang tubig na tumutulo sa mga pormasyon ng stalactites na
tinatawag na tubig-mistiko. Bukod dito, mayroon pang bato tulad ng bloodstone
na tumutugon sa katangian ng pagiging anting-anting dahil bukod sa
kapangyarihang makagaling din ay ginagamit ito bilang proteksiyon sa mga
sakuna at maaari ring gamitin sa negosyo. Ang kandila ng mga puso naman
kung iuuwi upang itirik sa mga altar ay pinaniniwalaang makapagpapatibay ng
pagsasama ng mag-asawa.
Labing-apat ang kabuuang bilang ng mga kuwentong nakalap mula sa
mga taong naninirahan at nagbabantay dito gayundin mula sa mga taong
dumadayo dito sa pag-asang makapagtamo ng bahagi ng kapangyarihan nito sa
pamamagitan ng paggaling ng kanilang mga sakit, paglutas ng kanilang mga
problema at pagtatamo ng mga hinihiling. llan sa mga kuwento ay nagsalaysay
ng mga himalang nasaksihan at naranasan nila sa pagpasok sa loob ng kuweba.
Dahil sa kapangyarihan ng kuweba na makapagpagaling, iba't ibang
paniniwala ang isinasabuhay ng mga tao tulad ng pag-aalay na tinatawag na
paghahain at pagsasakripisyo sa pamamagitan g pag-akyat sa itaas ng bundok
na nakasasakop dito kung saan matatagpuan ang krus.
Ang mga paniniwalang sa kuweba gumagaling ang mga sakit at naririnig
ang mahiwagang bases; sa bato bilang pantanggal ng sakit at bilang
proteksiyon; sa pag-aalay upang humingi ng pabor at makipaglapit sa
pinananampalatayaan at pag-akyat sa mataas na hagdanan at batuhan bilang
isang paraan ng pagsasakripisyo ay pawang nakaugat sa lumang paniniwala ng
mga Pilipino na animismo. Kahit pa pumasok ang relihiyong Katoliko, ang
paniniwalang ito ay nagpatuloy at humalo sa bagong relihiyon. Masasabi ding
ang paniniwala sa kalikasan tulad ng kuweba bilang isang lugar na itinakda o
pinagpala ay repleksiyon ng ating mga sarili - ng ating paniniwala at
pananampalataya.
Mahalaga ang pagsasadokumento ng mga kuwento at paniniwala hindi
lamang para sa kasalukuyan kundi sa susunod pang henerasyon dahil ito ang
magbubukas ng kanilang pag-iisip sa pagpapahalaga sa kalikasan at magbibigay
din ng impormasyon ukol sa matandang paniniwala ng mga Pilipino na
nagpatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan sa pamamagitan ng Kuweba
Mistika.
Mahalaga din ang pag-aaral dahil nagpapakita ito ng kakaibang lapit sa
sining na kalimitang inaakala na yaong mga bagay na nakikita lamang. lnilahad
dito na ang Kuweba Mistika ay hindi ginawa ng tao at walang likha ng tao na
makikita dito. Subalit hindi nangangahulugan na walang sining dito. Dahil ang
mga paniniwala at kuwento ukol dito ay buhat sa mga tao; hinabi at nilinang ng
mga tao, masasabing anyong sining na ito. Nagpapahayag ang mga ito ng diwa
o kulturang matatagpuan din sa mga sinaunang Pilipino. Mahalagang
mabigyang-pansin at maunawaan ang mga ito dahil isang hakbang ito sa
pagsasakatutubo ng konsepto ng sining. Sa ganito ding pamamaraan, mas higit
na mapahahalagahan ng mga tao ang lahat ng bagay sa paligid nila bilang
bahagi ng kulturang kailangan nilang linangin. |
en_US |