DSpace Repository

Makina at pakikibaka: sosyo-ekonomikong kalagayan at pampolitikang kamalayan ng kababaihang mananahi sa San Miguel, Bulacan.

Show simple item record

dc.contributor.author Buenaventura, Mylin D.
dc.date.accessioned 2016-03-16T06:31:46Z
dc.date.available 2016-03-16T06:31:46Z
dc.date.issued 2014-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/394
dc.description.abstract Masunurin, matiyaga, pasibo – ilan lamang ito sa pagsasalarawan sa mga kababaihan. Higit sa mga salita, ang mga istiryotipong ito na ikinakabit sa mga kababaihan ay ang siyang humuhubog sa pagtingin at pagtrato ng lipunan sa kanila. Ito rin ang nagtatakda ng kanilang magiging katayuan sa iba't ibang larangan, lalo na sa usapin ng empleyo. Nagpapatuloy ang kanilang pakikibaka laban sa makitid na pananaw na ito kasama ang mga salik na kumakasangkapan dito upang lalo silang mapagsamantalahan at pagkaitan ng karapatan. Upang maunawaan at mapalalim ang kaalaman ukol sa tunay na kalagayan ng mga kababaihang manggagawa, napiling maging sentro ng pag-aaral ang isa sa mga trabahong malimit na pinapasok nila – ang pananahi. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa 15 kababaihang mananahi sa bayan ng San Miguel, probinsya ng Bulacan, nakita ang mga rural, kapitalista, at global na kondisyong kinapapalooban ng kanilang karanasan at kamalayan. Ang salimbayan ng pagiging babae, pagiging mahirap, at paninirahan sa pook-rural ang nagtulak sa mga kababaihan upang pasukin ang pagiging mananahi at pwersadong manatili rito sa kabila ng hindi makataong kalakaran sa loob ng patahian. Samantala, ang hindi makatarungang pasahod, at mga problemang pangkalusugan at pangkaligtasan na kinakaharap ng mga mananahi ang manipestasyon ng kanilang masahol na kalagayan bilang manggagawa. Batay naman sa kanilang mga testimonya, napagtibay na ang pinalalaganap na huwad na ideolohiya ang pumipigil upang kanilang makamit ang mataas na antas ng pampolitika at makauring kamalayan na mahalaga sa pagtataguyod ng kanilang interes. Ang apat na bahagi ng presentasyon ng datos na pinamagatang Espasyo, Retaso, Makina, at Pakikibaka, ang kumakatawan sa apat na sulok ng kahong binuo ng globalisadong industriya ng pananahi na lalong nagpakitid sa mundong ginagalawan ng mga kababaihang mananahi. Gayunpaman, ang konkretong kalagayan ng mga kababaihang mananahi na sumasalamin rin sa katayuan ng laksa-laksang mamamayan ay ang mismong magiging daan upang makamit ang makabuluhang panlipunang pagbabago. en_US
dc.language.iso en en_US
dc.subject Workers rights of women en_US
dc.subject Textile and clothing industry en_US
dc.title Makina at pakikibaka: sosyo-ekonomikong kalagayan at pampolitikang kamalayan ng kababaihang mananahi sa San Miguel, Bulacan. en_US
dc.type Other en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account