dc.description.abstract |
Lumabas sa pag-aaral tungkol sa mga epekto ng Administrative Order 2008-0029, "Implementing Health Reforms for Rapid Reduction of Maternal and Neonatal Mortality", sa aksesibilidad ng maternal na serbisyong pangkalusugan na mali ang pinagtuunan ng pansin sa batas, hindi nito napabuti ang aksesibilidad sa maternal na serbisyong pangkalusugan at hindi naipapatupad ng tama ang batas. Mali ang pinagtutuunan ng pansin ng batas dahil ang tunay na hadlang sa aksesibilidad ng maternal na serbisyong pangkalusugan ay kahirapan. Sa ngayon, higit sa 10 milyong kababaihang Pilipino ay nagdurusa sa kahirapan (Tulali, 2009, p.1). Kahirapan ang siyang tunay na ugat ng problema na kung masosolusyonan ay tunay na makapagbababa ng pinsala sa mga kababaihan. Dapat nga ay pagsasakapangyarihan o empowerment ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagpapataas ng pinansyal na kapasidad ang pokus. |
en_US |