dc.description.abstract |
Sakit sa mata sa ilan ang mga mahihirap. Tinuturing silang pabigat sa tuluyang pagunlad ng bansa. Habang nagpapakahirap ang middle-class sa pagtatrabaho at pagbabayad ng buwis, parasito kung tingnan ang mga maralita. Lingid sa kanilang kaalaman na ang lahat ay biktima ng istruktural na suliranin sa empleyo na kaugnay sa kanser ng lipunan. At sa balangkas ng mga polisiya, hindi nararanasan ng mga pinakamahihirap ang mga karapatan kapantay ng sinuman. Sa kasalukuyang katangian ng empleyo sa Pilipinas, maraming mahihirap sa impormal na ekonomiya. Dahil hindi sapat ang trabahong mababa ang kita at hindi tuloy-tuloy, kailangang dumiskarte pa at makadagdag sa panggastos ng pamilya. Samantala, mayroong programa ang pamahalaan sa pamamagitan ng mga pangangalagang panlipunan, upang makatulong sa pangkabuhayang aspeto ng kahirapan sa lungsod. Upang makagawa ng kabuhayang magsasaalang-alang sa kalakasan at kahinaaan ng mga maralita, at sa pagaagapay ng mga interbensyon ng pamahalaan, dapat magkaroon ng puwang upang maging demokratiko ang gawaing pangkaunlarang ito. Ang kasalukuyang istruktura at proseso naman ay nagsasawalang-bahala sa mga maralita bilang bahagi ng lokal na ekonomiya. Sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa 20 nanay na kumakatawan sa iba't ibang maralitang pamilya, maisusulat ang kahalagahan ng kanilang pakikibahagi sa pag-unlad ng sarili at komunidad, at ambag sa ekonomiya ng lungsod. May tatlong bahagi and presentasyon ng datos, una ang Da Pipol na magbibigay ng kalagayan ng mga maralita, pangalawa ang Por Da Pipol na magsusuri sa mga interbensyon sa programang pangkabuhayan, at huli ang By Da Pipol ang paghahanap ng puwang upang makalahok sa pagpapalano at pagsasagawa ang mga mamamayan. |
en_US |